Martes, Hulyo 11, 2017

Guro
Kung ang ina ang ilaw ng tahanan
Ang guro naman ang ilaw ng paaralan
Nagsisilbing gabay ng kabataan
Na uhaw sa kaalaman  .

Siya ay modelo
Na punung- puno ng talento 
Handang ibahagi sa mga mag-aaral
At tinuturuan din ng magandang asal

Sa aking murang edad 
Hinasa ang aking abilidad
Sa aking naging guro 
Salamat sa pagtuturo